Wednesday, January 21, 2009
Dahil nabasa ko ang blog ni Joy...
Hindi ko masimulan ang part ko sa thesis namin. Parang ayaw magfunction ng brain ko. Type. Backspace. Type. Backspace. Tapos, blank page na lang ulit. Ang hirap ng ganitong feeling. I'm not sure kung bakit hindi ako makasulat. I tried listening sa mga kantang pinakikinggan ko kapag nagiisap ako. Pero wala pa rin. Dahil ba wala lang ako sa mood magsulat? Dahil ba sa deadlines ng school? O baka naman dahil sa nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa mo. Hay. Normally, sasabihin ko na baka dahil sa lahat ng yan, pero ngayon, mas nangingibabaw yung feeling ng dahil sa ginawa mo. Ang bigat. Katulad nga ng sinabi ni Joy, sobrang mahalaga sa kanya ang small details. Ako rin. Masyado kong napapansin ang halos lahat ng bagay ng makita ko. Kahit pinakamaliliit na bagay na kukuha ng attention ko. Paano pa kaya yung mga simpleng bagay na ginawa ko o ginawa mo na naalala ko pero hindi mo naalala? Akala ko lang pala na maalala mo rin. Mababaw akong tao. Madali akong matouch sa mga simpleng bagay. Madali lang akong pasayahin. Pero madali rin akong malungkot, masaktan. Simpleng bagay ang makakapagpasaya sa'yo, simpleng bagay din ang makakapgpalungkot sa'yo. Hay. Paano pa ko mapapasaya o mapapangiti ng mga simpleng bagay na 'yun kung alam ko naman na hindi mo na rin maalala ang mga ito kahit pagkalipas lamang ng sandaling panahon? Sinasabi ko tuloy sa sarili ko, siguro nga kailangan ko na lang palipasin na lang. Hayaan na dumaan. Tapos 'pag tapos na, tapos na. Hindi ko na pala kailangang irewind pa sa isip ko. Hindi na ko na dapat isipin na maalala mo. Masyado ng malaki ang mundong ginagalawan mo. Kala ko walang magbabago, pero hindi pala mapipigilan 'yun.
...