Careless Mistake
Sunday, December 14, 2008

Dalit ni Jose F. Lacaba

Patigilin sa pag-ikot ang lahat ng relo,
pagpuputulin ang mga linya ng telepono,
patahimikin ang mga piyano, at ang kabaong
ay ilabas sa kalye, simulan na ang prusisyon.

Patugtugin ang punebre, at sa pagbuntung-hininga
ay iparinig sa bayan ang balitang Patay Na Siya.
Bihisan ng luksa ang mga nagtatrapik na pulis,
lagyan ng lasong itim ang mga traysikel at dyip.

Siya ang aking hilaga, timog, kanluran, silangan,
ang aking takipsilim at bukang-liwayway,
ang kaing piyesta opisyal at araw ng trabaho.
Akala ko'y habang buhay ang pag-ibig: mali ako.

Bawian na ng sindi ang mga tala at bituin,
ibalot na ang buwan, at ang araw ay baklasin,
walisin na ang gubat, at ang dagat ay itapon.
Pagka't wala nang silbi ang lahat mula ngayon.

...

Warning

Careless Mistake
Dahil may mga maling ginugusto


Me

wishes

ect.

Links

Reese
Yumi
Jamie
Joy
Ven
friend

shoutout
CBOX CODE HERE

Credits -

Fonts: Colours code
Brushes: Picture.
Designer: Cherry332, Me!

memories

December 2008
January 2009
June 2009